sa iyong mga braso
at sa ating pagkakahiga
hayaan mong sayong braso ako’y mahulog
sa taimtim na talastasan ako’y iyong lasingin sa kahulasan
ang bawat talata’t taludtod na lumalabas sa iyong bibig
ay huni ng pagpapalaya sa aking pagkakapiit
sa silahis ng ilaw, sinalaysay ng iyong mga mata ang lahat
at sa pagkakataon na naisin mo
na sa aking braso ika’y mahulog rin
makakasiguro ka na mula ngayon
ang kahapon ay magiging bukas

Photo: night park by yuki. From Flickr.





